hisashiburi
may sumosobra na dapat hindi
may nagkukulang sa bawat sandali
may luha sa pagitan ng hikbi
nagbigay ng labis ngunit walang sukli
itinaon sa panahon ng kawalan
ang pagdating ng kalabisan
hindi maawat ninuman
tinanggap ngunit hanggang saan?
nagpapakalalim kahit mababaw
nagkukunwaring matalino
di iniisip ang bawat galaw
lumalabas tuloy na bobo.
wala sa tono ang bawat sigaw...
alingawngaw ng alingawngaw...
nilikha mong ingay ay nangingibabaw
ngunit ang pagdurusa mo ay nakalitaw...
