tanong at payo...patuloy ang buhay...
ano pa ba ang mahihiling ng isang taong maraming nagmamahal?
ano pa ba ang hahanapin ng isang taong nakatagpo na ng tunay na pag-ibig?
saan patungo ang maling landasin?
saan hahantong ang kwento ng buhay mo?
sa mundong umiinog ng mabilis, sasayangin ba natin ang oras sa walang kapararakang mga bagay?
hahangadin mo bang pigilan ang lahat ng dumadaloy na luha sa mundo?
bakit?
kung ang sariling luha'y dumadaloy na lang ng kusa sa mga madamdaming tagpo.
may kaibigan ka pa bang maituturing na totoo?
kung meron swerte mo. ingatan mo siya.
maraming hihila sa 'yo at isasangkot ka sa gulo.
kailangan maging matatag. pigilan mo ang sarili. wag padadala.
isipin mo na lang ang mga nagmamahal sa 'yo.
may katapusan ba ang mga katanungan sa mundo?
sa palagay ko'y wala dahil patuloy lang ang buhay...
at di rin naman nasasagot lahat ng ito ng malinaw
dahil maraming palusot at maraming pilosopong katulad nating lahat.
isang bata ang nangarap sumikat
tumingin sya sa langit
lumuhod at nanalangin.
gusto kong sumikat
gusto kong makilala.
mabigyan ng parangal
hangaan at tularan.
gawing modelo ng kabataan.
ipagmalaki ng mga kaibigan
maging maligaya.
makaimpluwensya tungo sa mabuti.
makatulong at mamagitan.
maging ambassador...
(mga bagay na lumabas sa utak dahil walang magawa at tinatamad maglaba)

1 Comments:
galing! kudos!
12:47 AM
Post a Comment
<< Home